Nasa Huli ang Pagsisisi

Ni: Andres Bonifacio

Pula,Berde, at Puti. Mga kulay na nagtipon-tipon sa Quirino Grandstand, nagliliyab ang apoy ng kanilang mga paninindigan, kolektibong boses para sa kanilang pinaglalaban. Pagkakaisa at pagiging matatag na samahan, yapak ng isa ay yapak ng buong kasamahan. Ngunit nung nakaraan, baliktad ang kanilang kinakampihan , kung sino ang kanilang ipinaglaban mga personalidad noon, ay sila rin ang pinapapababa ngayon, Naging bulag? O sadiyang natangay sa isang maningning na bagay?

Sapilitang Sugal

Ni: Andres Bonifacio

Konstitusyon ng Pilipinas, mababasa sa mga pahina nito na ang pagbibigay boto sa personal na gusto ay karapatan ng mga tao. Ngunit sa isang panig ng mundo, may isang samahang nagbigay ng ibang plano, kung ano ang boto ng isang kasapi, ay siya rin ang magiging sumbat nila kahit anuman ang sari-sari. Iglesia  ni Cristo,  nagkakaisa sa kanilang pagboto, kahit iba ang gusto ng mga puso ng mga kasapi, walang magagawa dahil ito ang napili. Bawat boto tila isang nakalubid na kutsilyo, hindi alam kung pinili ba upang iboto ay magbibigay ng kapayapaan, o magdudulot na malawakang kahirapan. 

Iisang Dugo, Magkaiba ang Puso

Ni: Andres Bonifacio

Mga Marcos, sa panahon ngayon ay sila ang may hawak ng pinakamataas na kapangyarihan sa bansa, tila paggalaw ng buong bansa ay nasa kanilang mga palad. Ngunit paano nalamang kung isang pamilya na tinitingala, ay may hidwaan— hindi mula sa mga kalaban, kundi sa kapamilyang kaharap sa lamesa kung may hapunan.

Scroll to Top