OPINYON 1

Sama-samang Pagtindig Tungo sa Pag-unlad

ni Emilio Jacinto

Isa sa maiinit na isyu na nagaganap sa kasalukuyan ang pagkabunyag ng malawakang korapsyon sa politika sa pamamagitan ng mga proyektong pang-ekonomiya tulad ng mga flood control projects. Ngunit sapat ba ang paglaban ng isang grupo upang masugpo ang mga salarin sa katiwalian?

Dahil hindi matigil na korapsyon nagsama-sama ang mga mamamayan partikular na ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo na may layuning ipatigil ang korapsyong nagaganap na siyang dahilan kung bakit patuloy na naghihirap ang bansa.

Ayon kay Romulo Feliciano III, ang opisyal na kinatawan mula sa Iglesia ni Cristo, na siyang nanguna sa 650,000 miyembro na dumalo sa protesta. Ito ay isang paraan upang ipahayag ang kabuoang pagtutol nila sa lumalaganap na katiwalian sa pamahalaan.

Dagdag pa niya, ang nasabing protesta ay walang kinalaman sa politika o paninira sa isang taong may posisyon sa pamahalaan. Ito ay purong isyu ng moralidad at may malalim na pagmamalasakit para sa kinabukasan.

Binigyang pansin naman ang paglahok ni Senator Imee Marcos sa protesta laban sa kaniyang sariling pamilya, subalit nilinaw ng kinatawan ng Iglesia ni Kristo na ang paglahok ng senador ay kusa at walang halong pamimilit.

Nag-iwan naman ng pasasalamat si Ginoong Romulo sa Philippine National Police at ibang pang Law Enforcement Agencies dahil sa pagbibigay ng dagdag seguridad at tulong sa trapiko .

Ang pagpoprotesta ng Iglesia ni Cristo ay isang paraan ng tahimik na pagbabahagi ng kani-kanilang damdamin o saloobin upang tuluyang matapos ang malawakang katiwalian sa pamahalaan.

Ang pagbibigay ng opinyon o ang paglaban sa kung ano ang dapat ay hindi masama, bagkus isang hakbang upang masimulan ang pagbabago sa ating bansa. Ang protesta ay hindi lamang tungkol sa pagtindig sa kung ano ang alam mong tama kundi ang paglaban sa bagay na makakatulong sa kinabukasan ng bansa.

Scroll to Top