

Sandata ng Isa, Laban ng Lahat
ni Emilio Jacinto
Sa pagkabunyag ng malawakang korapsyon ay unti-unting nabigyan ng boses ang mga mamamayan at nagkaroon ng lakas upang lumaban sa kung ano ang nararapat para sa kanila.
Hindi maikakaila na ang katiwalian sa pilipinas ay naging dahilan ng labis na kahirapan ng bawat mamamayan. Marami ang taong nagugutom at nagtatrabaho ng dalawahan para lang makakain sa isang araw.
Marami ang mali, hindi lang isa o dalawa, sandamakmak na pangalan ang sangkot ngunit hindi magalaw dahil sa taas ng posisyon. Masasabi pa bang tama ito kung kaakibat ng bawat salaping nawawala ay buhay ng isang kapwa pilipino?
Subalit sa kabilang banda, ang maraming pagkakamali ay maaaring matapos kung lalaban ang libo-libong boses. Ilang taon na ang nakalipas ngunit marami pa rin ang boses na pinipiling tumahimik.
Dahil ang paglaban sa dapat ay hindi lamang para sa isa, kundi para sa lahat.