LATHALAIN 1

Pula,Berde, at Puti. Mga kulay na nagtipon-tipon sa Quirino Grandstand, nagliliyab ang apoy ng kanilang mga paninindigan, kolektibong boses para sa kanilang pinaglalaban. Pagkakaisa at pagiging matatag na samahan, yapak ng isa ay yapak ng buong kasamahan. Ngunit nung nakaraan, baliktad ang kanilang kinakampihan , kung sino ang kanilang ipinaglaban mga personalidad noon, ay sila rin ang pinapapababa ngayon, Naging bulag? O sadiyang natangay sa isang maningning na bagay?

Pula, Berde, at Puti

Sa ikalabing-anim ng Nobyembre, ang mga kasapi ng isang samahang panrelihiyon na tinatawag Iglesia ni Cristo ay nagtipon-tipon sa may Quirino Grandstand. Pagkakaisa at Pananagutan ng mga may-sala, kapit bisig ang mga kasapi sa pag-abokasiya sa mga salitang ito, isang kaisipan upang makamtan ang isang mapayapang bayan na hinahangad ng mga tao. Lumalaban ng patas upang baguhin ang maka naka-upo. 650 na libong katao ang nagtipon-tipon kasama ang mga iba’t ibang mga tao na kasapi ng Iglesia Ni Cristo, mga mayayaman, may kapangyarihan, at iba ay galing pa sa malalayong lugar, iisang paniniwala ang ugat ng pagkakaisa, ipinaglalaban ang alam nilang tama. 

Ngunit noong panahon ng botohan, ibang ang ihip ng panahon, ang mga nagniningning na kulay na Pula, Berde, at Puti, ay siya rin mga kulay ang kanilang sinusuportahan noon. Sa ningning ng panahon, at nagraramihang tao na nagkaisa upang ang manalo ang kanilang mga kandidato. Sa pagdating nga ng resulta, ang mga boto para sa kanilang mga kandidato ay tila rumagasa sa mga kalaban na parang baha, sa layo ng agwat ay tila iniwan, at ang mga kasapi ng samahang panrelihiyon ay nagdiwang — sa pagkapanalo ng kanilang pinupusohan. 

Sa kanilang pagdiriwang, ang ibang panig ay nagparinig sa mga kasapi na bumoto sa mga nanalo sa eleksyon. Mga tanong na “Magkano ang binayad sa inyo?”,  “Bakit niyo binoto?” amg mga lumabas sa kanilang mga bibig, tila hindi makapaniwala sa mga nanalo. 

Pagkupas ng mga Kulay

Tumakbo ang mga pahina ng panahon, at unti-unting nakita ang totoong kulay ng mga sinuportahang pangalan. Tila ang kanilang pinaglalaban noong panahon ng kampanya ay baluktot sa nakikita ng mga mamamayan, hiindi pagkakaisa, ngunit puno ng mga nakasusukang isyu at sumbatan na may halong pangkukutsya. Nung lumuntad ang mga kulay na hindi tugma sa kanilang pinaniniwalaan ideya,  nagliyab ang galit sa kanilang mga puso, tila ang kanilang mga karapatan upang pumili ay inabuso. Sa mga bugso ng damdamin ay hindi nakayanan sa resulta ng mga ipinakita ng kanilang mga napili, at ngayon tila sinisisi kung bakit nga ba sila nag pinili. 

Romulo Feliciano III, ang pinuno ng samahang panrelihiyon, tumayo bilang isang lider sa gitna ng pagpupulong. Sa isang iglap lamang nabuo na protesta para sa kanilang mga ideolohiya, lalabanan ang mga kanilang mga linuklok sa pwesto, upang ang bayan ay lumago na kanilang plano.

Nangyari na kung ano ang mga nagawa, hindi na magbabago ang mga oras na nadama ng mga mamamayan sa ilalim ng kanilang paghahari. Nabulagan lang ba noong eleksyon? O may maningning na bagay ang nakatakip sa kanilang mga pagmamasid. Nasa huli nga talaga ang pagsisisi, ang magagawa na lamang ay tumingin sa hinaharap, at hatakin ang mga problema na pwedeng bigyan ng solusyon, at sa huli ang mga ideyang gustong ay lalago at magyayabong.

Scroll to Top