RNHS, inungusan ang mapangahas na INHS, 60-59

ni Jose Rizal

Ilagan City – Iniwang luhaan ng Roxas National High School (RNHS) matapos ang kanilang madugong sagupaan sa Exhibition Game ang naghihimagsik na Isabela National High School (INHS), 60-59, na linarga sa mainit na hapon ng St. Ferdinand College Open Court.

Humugot ng 21 puntos si Florante Carreon mula sa kaniyang rumaragasang tres at nakamamatay na lay-ups, habang nakapagtala rin ng 13 na puntos si Paul Gonzales at namayani sa krusyal na oras ng laro kabilang ang nagpanalong free throw.

Agarang nagpalitan ang magkabilang koponan ng mga agresibong pag-atake sa unang kartada palang, nagpatuloy ang kanilang pag-arangkada hanggang sa magtapos ang kartada ng walang nakaka-agwat.

Sumubok na kumamada ng mga matutulis na tres si Carreon upang subukang palobohin ang kalamang, ngunit di basta nagpakutya ang katunggali mula sa sa kanilang nanggigitgit na depensa na agad ding pumreno sa pagratsada ng RNHS sa first half ng laro, 28-27.

Nagpasiklab ang katunggali sa pagsisimula ng second half, sunod-sunod na turn over ang nabibigay ng RNHS na nagpababa ng kanilang kumpiyansa sa laro.

Di nagtagal, agaran ding binalik ang nawalang laro ng RNHS mula sa mga dumadagundong na pag-atake ni Gonzales na bumasag sa mala-pader na depensa ng INHS.

Nang papalapit sa pagtatapos ng laro, nakuhang tumbukin ng INHS ang dalawang kalamang, ngunit sa natitirang 15 na segundo ay bumitaw ng isang nakakalaglag-pangang jump shot si Carreon na nagpatabla at nagbalik ang mainit na hiyawan ng mga manonood.

Tuluyan ng binigwasan ng RNHS ang naghihingalong INHS matapos mabigyan ng foul si Carreon na humantong sa makatindig-balahibopng free throw  tumapos sa laro, 60-59.

“Tiwala sa isa’t isa ang nagdala sa amin sa panalong ito.” sambit ni Carreon matapos ang kanilang magandang laban, patunay lamang na ang pagtutulungan ng bawat isa ay makakayang ipanalo ang bawat laban sa buhay.

Scroll to Top