Iglesia ni Cristo, humarap sa isyu ng korapsyon sa gitna ng pananawagang transparency

ni Andres Bonifacio

Ibinahagi ng Ginoong Romulo Feliciano III kapanayam ng Iglesia ni Cristo ang kahalagahan ng transparency sa harap ng mga akusasyong may kinalaman sa maling paggamit ng pondo ng organisasyon at hinggil din sa naganap na pagtitipon sa Quirino Grand Stand, sa isang press conference sa Ilocos Norte National High School (INNHS), Nobyembre 18.

Mahigit 650 libong miyembro mula sa iba’t-ibang dako ng bansa ang nagpasalamat at nakiisa upang matutol ang korapsyon na kasalukuyang kinakaharap ng bansa.

Aniya, handa silang sumailalim sa mga imbestigasyon upang mapanatili ang tiwala ng mga kaanib at publiko lalo na ay lumalawak ang diskasyon hinggil sa isyu.

Dagdag niya, ito ay isang moral na panawagan sa mga ordinaryong mamamayan .

Kasama rin ang Philippine National Police (PNP) at Law Inforcement Agency na personal na nagbantay upang masiguro ang seguridad at maiwasan ang trapik.

Pinatunayan ng mga miyembro na ang lalim ng kinabukasan ay ang pagkakaroon ng tapat at malinis na serbisyo, ito ang pag-asa ng bawat mamamayang Filipino.

Scroll to Top