Pagkakaisa Tungo sa Pag-unlad

ni Emilio Jacinto

Sa paglabas ng katotohanan, maraming boses ang nanawagan. Ang protestang ginawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ang siyang naging hakbang upang mamulat ang kapuwa pilipino para lumaban.

Marami pa ang paraan upang makatulong sa pagtapos ng isyung ito, hindi lamang ang paggawa ng problema na nagiging sanhi ng malaking gulo na minsang nagdudulot ng dagdag problema sa bansa.

Isa na rito ay ang pagkakaroon ng maliwanag at masinsinang pagtalakay tungkol sa  isyu kasama ng mga taong nasasangkot. Ito ay upang maipaliwanag nila sarili nilang opinyon patungkol rito.

Isa pang halimbawa ay ang pagbabasa ng mga impormasyong totoo at hindi pakikinig sa sabi-sabi lamang. Sa pamamagitan nito maiiwasan ang maling pag-aakusa sa mga taong hindi talaga sangkot sa nasabing korapsyon.

Dagdag pa rito ang pagkakaroon ng transparency at accountability ay isa sa mga hinahangad ng mga mamamayan upang mapatatag ang tiwalang kanilang ibibigay sa pamahalaan.

Maraming paraan ang maaaring gawin ng bawat mamamayan, ordinaryo man, may posisyon sa politika o miyembro ng isang samahan. Hindi paglaban sa kapuwa pilipino ang sagot sa problema kundi ang pagkakaisa tungo sa pag-unlad ng bansa.

Scroll to Top