Paghakbang sa pangarap

Mala-agilang bilis, bumubulusok na pag-atake, at rumaragasang tres, ilan lamang yan sa mga nakakalaglag-pangang ipinamalas ng isang 16 taong gulang. Siya si Florante Carreon, ang naghahalimaw na point guard (PG) ng Isabela National High School (INHS) matapos ang kanilang madugong exhibition game.

Katulad ng pagluluto, kinakailangan din ng pagtitiwala sa sarili, determinasyon, at pagmamahal sa laro bilang sangkap na dapat taglayin ng bawat manlalaro upang makabuo ng isang masarap na putahe.

 Nagsimulang matuto sa basketbol si Carreon sa murang edad palang mula sa mga makikitid na kalsada na pinapatayuan ng ring. Gaya ng isang agila, siya ay nangarap na lumayag sa bughaw na kalangitan upang tingalain at maging isnpirasyon ng bawat isa. “Gusto kong maging isang mahusay na manlalaro kagaya ng aking iniidulong si Paul Lee” sambit ni Carreon. Dahil sa kaniyang paga-asam na matupad ang kaniyang mga pangarap ay puspusang pag eensayo ang kaniyang ibinubuhos.

Nang siya’y tumungtong sa elementariya, dito niya na sinimulan ang kaniyang hakbang mula sa pakikilahok sa mga kompetisyon ng paaralan. Sunod-sunod ang kanilang mga nagiging laban at kuwento niya ay patuloy na nakasubaybay ang kaniyang magulang na mas nagpatatag sa kaniyang loob sa mga laban na kanilang hinarap.

Di nagtagal ay tumungtong na siya sa sekondariya at agarang natanggap sa Basketball Team ng kanilang paaralan dahil sa kaniyang angking karanasan at galing. Nagtuloy-tuloy ang kanilang pamamayagpag matapos durugin ang bawat katunggaling hinaharap.

 Isang araw habang nag-eensayo, sila ay naimbitahan na lumahok sa isang exhibition game kung saan kanilang makakaharap ang isa rin sa paaralang namamayagpag sa sa lungsod. Puspusan ang kanilang ginawang pag-eenasyo hanggang sa dumating na ang araw ng laban. Hindin man naging madali ang kanilang pinagdaanan sa laban ay nakuha nila itong ipinanalo at dito ay kaniyang nasungkit ang Most Valuable Player (MVP) ng laro dahil sa ipinakita niyang talent.

Hindi lang basta pagiging atleta ang ipinakita ni Florante Carreon sa nasabing laro, ipinakita niya na ang pagtutulungan ng bawat isa ang mag-uudyok sa kanila sa tunay na tagumpay. Ngayon, patuloy niyang hinahasa ang sarili para sa susunod pang mga laro at maipagpatuloy ang unti-unting paghakbang para sa pinakaaasam na pangarap.

Scroll to Top