


Iglesia ni Cristo, humarap sa isyu ng korapsyon sa gitna ng pananawagang transparency
ni Andres Bonifacio
Ibinahagi ng Ginoong Romulo Feliciano III kapanayam ng Iglesia ni Cristo ang kahalagahan ng transparency sa harap ng mga akusasyong may kinalaman sa maling paggamit ng pondo ng organisasyon at hinggil din sa naganap na pagtitipon sa Quirino Grand Stand, sa isang press conference sa Ilocos Norte National High School (INNHS), Nobyembre 18.

Sen. Imee Marcos, nakisama sa kontrobersya ng Iglesia ni Cristo
ni Andres Bonifacio
Personal na dumalo ang isang pampublikong opisyal sa pagtitipon ng ilan sa mga miyembro ng Iglesia ni Cristo na naglalayong ilantad ang maling pamamahala sa loob ng organisasyon at pamahalaan, sa isang press conference sa Ilocos Norte National High School (INNHS), Nobyembre 18

Kilos-protesta, panawagan ng mga miyembro ng INC para sa malinis na pamamahala
ni Andres Bonifacio
Nagsimula ang pagprotesta ng ilang kasapi matapos umalingawngaw ang mg alegasyon ng korapsyon at sa pamamalakad ng mga pondo at proyekto, Nobyembre 18.

Sama-samang Pagtindig Tungo sa Pag-unlad
Isa sa maiinit na isyu na nagaganap sa kasalukuyan ang pagkabunyag ng malawakang korapsyon sa politika sa pamamagitan ng mga proyektong pang-ekonomiya tulad ng mga flood control projects.
Sandata ng Isa, Laban ng Lahat
Sa pagkabunyag ng malawakang korapsyon ay unti-unting nabigyan ng boses ang mga mamamayan at nagkaroon ng lakas upang lumaban sa kung ano ang nararapat para sa kanila.
Pagkakaisa Tungo sa Pag-unlad
Sa paglabas ng katotohanan, maraming boses ang nanawagan. Ang protestang ginawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ang siyang naging hakbang upang mamulat ang kapuwa pilipino para lumaban.

Nasa Huli ang Pagsisisi
Ni: Andres Bonifacio
Pula,Berde, at Puti. Mga kulay na nagtipon-tipon sa Quirino Grandstand, nagliliyab ang apoy ng kanilang mga paninindigan, kolektibong boses para sa kanilang pinaglalaban. Pagkakaisa at pagiging matatag na samahan, yapak ng isa ay yapak ng buong kasamahan. Ngunit nung nakaraan, baliktad ang kanilang kinakampihan , kung sino ang kanilang ipinaglaban mga personalidad noon, ay sila rin ang pinapapababa ngayon, Naging bulag? O sadiyang natangay sa isang maningning na bagay?
Sapilitang Sugal
Ni: Andres Bonifacio
Konstitusyon ng Pilipinas, mababasa sa mga pahina nito na ang pagbibigay boto sa personal na gusto ay karapatan ng mga tao. Ngunit sa isang panig ng mundo, may isang samahang nagbigay ng ibang plano, kung ano ang boto ng isang kasapi, ay siya rin ang magiging sumbat nila kahit anuman ang sari-sari. Iglesia ni Cristo, nagkakaisa sa kanilang pagboto, kahit iba ang gusto ng mga puso ng mga kasapi, walang magagawa dahil ito ang napili. Bawat boto tila isang nakalubid na kutsilyo, hindi alam kung pinili ba upang iboto ay magbibigay ng kapayapaan, o magdudulot na malawakang kahirapan.


RNHS, inungusan ang mapangahas na INHS, 60-59
ni Jose Rizal
Ilagan City – Iniwang luhaan ng Roxas National High School (RNHS) matapos ang kanilang madugong sagupaan sa Exhibition Game ang naghihimagsik na Isabela National High School (INHS), 60-59, na linarga sa mainit na hapon ng St. Ferdinand College Open Court.

Paghakbang sa pangarap
ni Jose Rizal
Mala-agilang bilis, bumubulusok na pag-atake, at rumaragasang tres, ilan lamang yan sa mga nakakalaglag-pangang ipinamalas ng isang 16 taong gulang.
Bayaning pinagkaitan ng sandata; Patuloy na umaarangkada
ni Jose Rizal
Sa bawat palo, sipa, at sigaw ng ating mga atleta, naroroon ang pusong nag-aalab para sa bayan. Sa isang bansang mayaman sa talent ngunit ipit sa pondo, tila ang tanging sandigan ng mga manlalaro ay ang sarili nilang determinasyon at pagmamalasakit sa laro.
