Bayaning pinagkaitan ng sandata; Patuloy na umaarangkada

Sa bawat palo, sipa, at sigaw ng ating mga atleta, naroroon ang pusong nag-aalab para sa bayan. Sa isang bansang mayaman sa talent ngunit ipit sa pondo, tila ang tanging sandigan ng mga manlalaro ay ang sarili nilang determinasyon at pagmamalasakit sa laro. Ngunit sa kabila ng kanilang sakripisyo at pagpupunyagi, sapat ng aba ang ating ibinibigay na suporta?
Taon-taon nsasaksihan natin ang mga kuwentong bumabalot sa likod ng medalya. Mga atletang nagtitiis sa sirang sapatos, lumalaban ng walang sapat na allowance, at nagsasanay sa pasilidad na tila napagdaanan na ng panahon. May mga manlalarong sariling bulsa ang bumubuhay sa kanilang pangarap, habang ang ilan ay napipilitang tumigil dahil sa kakulangan sa tulong. Sa ganitong kalagayan, hindi nakapagtatakang marami sa mga kabataang atleta ang pinipiling manahimik at iwanan ang kinahuhumalingang laro.
Ang problema ay hindi lamang sa kakulangan ng pondo, kundi kakulangan sa pagkilala. Ang palakasan ay hindi luho o libangan kundi isang humuhubog sa disiplina at dangal ng kabataan. Sa bawat oras na ipinagkakait natin ang sapat na suporta, unti-unting nating pinapatay ang apoy ng pag-asa sa mga atletang maaring magdala ng karangalan sa bansa.
Dapat kilalanin na ang larangan ng palakasan ay bahagi ng pambansang pag-unlad at kailangan ng mga malinaw na programa, sapat na pondo, at maayos na pasilidad upang maytiyak na ang bawat batang nangangarap ay magkakaroon ng pagkakataong mahasa at makilala. Ang suporta ay hindi dapat tuwing may panalo, ito ay nararapat na tuloy-tuloy at walang hinto.
Sa mundo ng palakasan ay hindi lamang ytungkol sa medalya at tropeyo. Ito ay salamin ng pagkakaisa, disiplina at tapang ng Pilipino. Kaya’t sa susunod na taypy pumalakpak para sa ating mga atleta, nawa’y sabayan natin ito ng konkretong pagkilos upang walang Pilipinong atleta ang lumalaban ng napag-iiwanan.