LATHALAIN 2

Konstitusyon ng Pilipinas, mababasa sa mga pahina nito na ang pagbibigay boto sa personal na gusto ay karapatan ng mga tao. Ngunit sa isang panig ng mundo, may isang samahang nagbigay ng ibang plano, kung ano ang boto ng isang kasapi, ay siya rin ang magiging sumbat nila kahit anuman ang sari-sari. Iglesia  ni Cristo,  nagkakaisa sa kanilang pagboto, kahit iba ang gusto ng mga puso ng mga kasapi, walang magagawa dahil ito ang napili. Bawat boto tila isang nakalubid na kutsilyo, hindi alam kung pinili ba upang iboto ay magbibigay ng kapayapaan, o magdudulot na malawakang kahirapan. 

Boto, kung tatanungin mo ang iba’t ibang tao, ay may iba’t ibang pananaw o gusto. Ngunit kung tatanungin mo naman ang kasapi ng samahang panrelihiyon na Iglesia ni Cristo, tila iisa ang sagot na dumdungaw sa kanilang mga bibig, magkakapareho at iisa ang panig. Tila isang sugal ng pananampalataya, bumabalot sa kaisipan kung ang iboboto ba ay tama?

Ngunit sa dami ng tanong, iisa ang lalabas na aksyon, walang magagawa kundi ang sumang ayon. Sa hibla ng panahon, marami na ang nakaupo sa pwesto dahil sa nagraramihang mga boto mula sa mga kasapi ng samahang panrelihyon, at naging patunay narin kung ano nga ba ang hahantong sa huli, isa ngabang sakim na politiko, o isang taong didinig sa kanilang mga saklolo.

Gusto man ay hindi pwede, at punahin man ng mga kasapi ay hinding-hindi mangyayari. Dahil ang mga gusto ng mga nasa itaas ng samahang ito ay lubos at sinusunod, ngunit sa bawat pagguhit sa mga bilog sa botante at bawat pagpasok ng mga boto sa mga makinarya upang mabilang ay hindi maikakaila, na isang sugal ang bawat boto na binibigay, sugal na kinontrol hindi ng mga sariling kaisipan— kundi sapilitan, na makikita rin sa hulihan kung ano nga ba ang bunga sa pagtanggal ng karapatan.

Scroll to Top