Mga Marcos, sa panahon ngayon ay sila ang may hawak ng pinakamataas na kapangyarihan sa bansa, tila paggalaw ng buong bansa ay nasa kanilang mga palad. Ngunit paano nalamang kung isang pamilya na tinitingala, ay may hidwaan— hindi mula sa mga kalaban, kundi sa kapamilyang kaharap sa lamesa kung may hapunan. 

Ano nga ba ang mas makapal, tubig o dugo? Sino ngaba ang tutulong sa iyo sa pagdating ng peligro? Kung tatanungin mo ang pamilyang Marcos pagkatapos ng kilos-protesta sa Quirino, magiging iba ang sagot, tila iisa nga ang dugo nga ang humulha sa kanilang kaisipan, ngunit iba-iba ang kagustuhan. Sa rally na nangyari sa Quirino Grandstand ay may lumitaw na isang babae na tila nagpa-ingay sa mga puso ng mga dumalong kasamahan, at nagpasigla sa galit sa mga sumusuporta ng kanilang linalabanan — Imee Marcos.  

Babaeng kapatid ng mismong pangulo na pinapababa sa pwesto ng mga kasapi ng Iglesia Ni Cristo. Si Imee Marcos ay tila lumitaw na anghel sa mga kasapi ni Iglesia Ni Cristo ng kilos-protesta ay humantong sa kasukdulan. Nakakabinging hiyaw at mga nakaka biglang rebelasyon ang ipinabatid ni Imee Marcos, mga salitang tumutukoy at pumupuna sa administrasyon ng kanyang kapatid.

At sa pagbaba ng araw sa araw na iyon, ay ang pagsilang rin ng mga bagong rebelasyon, hindi tungkol sa mga pangulo kundi  isang kultural na aspeto, na hindi lahat ng kadugo ay iyong kaibigan o kasama sa hirap o ginhawa, at ang dugo magkatulad man ay hindi pare- pareho ang lilim, kaya meron at meron parin, na lahat ng kadugo ay hindi tutulong sa iyo, kundi sila ang magbibigay ng mga pangyayaring maitim

Scroll to Top